Monday, February 7, 2011

Mga Iceberg

___________________________________________________
Basahin: Awit 1
"Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama." –Awit 1:1
___________________________________________________

Ang iceberg ay malalaking tipak ng yelo na nagiging ga-bundok ang laki na nakalutang sa dagat sa napakalamig na mga lugar. Ang bapor na Titanic ay lumubog nang bumangga sa isang malaking iceberg.
May kompanya na kumuha ng isang eksperto sa business management upang mas mapaunlad ang kakayahan ng mga empleyado. Sabi ng eksperto sa miting nila, “Kunwari pasahero kayo sa papalubog na Titanic. Nakasakay ka sa isang lifeboat, at kasama mo pa ang kapitan ng bapor, susundin mo ba ang direksyong ituturo niya?”
Nagbulungan at nagtanungan ang mga nakikinig, hanggang may isang tinig na nangibabaw sa lahat, “E, baka hindi ko po susundin. Ibinunggo na nga po niya ang bapor sa iceberg.”
Sinasabi sa Aklat ng Kawikaan na dapat ang sangguniin natin ay ang marunong (1:2-7). Sa Biblia ang ibig sabihin ng karunungan ay “kakayahan na mamuhay.” Sa salitang Hebreo, ang karunungan ay isinalin sa “kakayahan” (Exodo 31:1-11).
Ngayon, ang mga marurunong na lalaki’t babae ay may mahalagang kakayahan-- “ang kakayahan na mamuhay.” Huwag gawing tagapagpayo ang kapwa hanggang di maobserbahan ang kanilang pamumuhay (araw-araw). Kung nabunggo na sila sa maraming icebergs, baka malubog ka na kasama nila.
Ang “mapalad” na tao na nalulugod sa Salita ng Diyos ay “hindi lumalakad sa payo ng mga masasama” (Awit 1:1-2). –HWR
___________________________________
Mag-ingat kung sinong sasangguniin
Kung nangangailangan ng karunungan;
Tiyaking ang tagapayo ay maka-Diyos
At Salita ng Diyos kanyang nalalaman. –Fitzhugh
___________________________________

SUNDIN ANG DIREKSYON NG MGA
SUMUSUNOD SA SALITA NG DIYOS

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000



No comments:

Post a Comment