Tuesday, February 8, 2011

Magkapanahon Para sa Diyos

___________________________________________________
BASAHIN: Awit 119:105-112
"Ilawan sa aking mga paa ang salita Mo, at liwanag sa landas ko." –Awit 119:105
___________________________________________________
Si Harry A. Ironside (1876-1951) ay isa sa pinakamamahal at epektibong guro ng Biblia noong simula ng ika-20 siglo. Ayon sa isang kaibigan niya, palaging sa unang oras ng bawat araw ay nananalangin at nag-aaral siya ng Biblia. Sabi ni Ironside, ito ang “umaga niyang pagbabantay (dawn watch)” at isang mahalagang pangangailangan sa araw-araw.
Isang araw, sa pagtuturo niya sa isang seminaryo, isang estudyante ang nagsabi sa kanya “Dr. Ironside, nalalaman kong gumigising kayo nang maaga araw-araw para basahin at pag-aralan ang Biblia.”
“Oo, nagging ugali ko iyan mula ng ako’y maging Kristyano,” sagot niya.
“Paano ninyo nagagawa iyan?” tanong ng estudyante, “ipinapanalangin po ba ninyo?”
“Hindi,” sagot ni Ironside, “gumigising ako at bumabangon.”
Alam ni Ironside na nakasalalay ang espiritwal niyang buhay sa regular na oras sa para sa Salita ng Diyos; di siya mabubuhay ng wala ito. Di mo na kailangang ipanalangin pa sa Diyos kung gagawin mo ito o biyan ka ng pagnanais na gawin ito. Disiplina ang kailangan sa paglago sa espiritwal na buhay at pag-iimpluwensya ng iba.
Sabi ng mang-aawit, “Ilawan sa aking mga paa ang salita mo, at liwanag sa landas ko.” Nauunawaan ba natin kung gaano kalaki ang pangangailangan natin sa liwanag ng Salita ng Diyos araw-araw? Pinalalago ba natin ang ugaling basahin nang regular ang Biblia araw-araw? –DHR
___________________________________
Salita ng Diyos, maingat na basahin
Yaman nitong katotohanan, ay minang huhukayin;
Pagbulayan bawat linya at bawat katuruan,
At ipamuhay araw-araw nang buong katapatan.
–Anonymous
___________________________________

BUKSAN ANG BIBLIA NA MAY PANANALANGIN,
BASAHIN NANG BUONG INGAT, SUNDIN NG MAY KAGALAKAN.

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000



No comments:

Post a Comment